7 sundalo nA namatay sa Sulu ambush gagawaran ng military honor

MANILA, Philippines - Isang ‘military honor’ ang igagawad sa libing ng pitong sundalo ng Philippine Marines na nasawi sa madugong pakikipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy.Tugas, Patikul, Sulu noong Sabado.

Kabilang sa mga na­paslang sa ambush ay sina 2nd Lt. Alfredo Lorin, Pfc Rene Gare, Pfc Andres Bogwana, Pfc Jay Alasian, Pfc Jayson Durante, Pfc Roxas Pizarro at Pfc Dominador Sabijon Jr., pawang nakatalaga sa Force Reconnaissance Company.

Hinihintay pa ang desisyon ng pamilya ng mga nasawing sundalo partikular na si Lorin, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2011 kung nais ipalibing sa Libingan ng mga Ba­yani sa Fort Bonifacio.

Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bau­tista na nananatiling mataas ang moral ng tropa ng Philippine Marines sa Sulu sa kabila ng nala­ga­san ang mga ito ng pu­wersa.

Show comments