PCG pumalag sa report ng NBI

MANILA, Philippines - Pumalag at hindi nagustuhan ng Philippine Coast Guard (PCG )  ang  umanoy lumabas na report ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa umano’y kapabayaan nila sa naganap na  insidente na ikinamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.

Ayon kay PCG spo­kes­man Armand Balilo,  hindi dapat na pangunahan ang report hangga’t hindi natatapos ang parallel investigation ng mga itinalagang  forensic investigator ng kagawaran.

Lumalabas sa inisyal  findings  na nagkaroon umano ng kapabayaan sa mga personnel ng coast guard.

Dahil dito, posibleng maharap ang mga ito sa kasong kriminal maliban pa sa administratibo dahil sa paglabag sa rules of engagement, paggamit ng dahas o pwersa at neglect of duty.

Ayon pa  sa report, nagkaroon ng fatal na pamamaril sa Taiwanese fishing vessel na sinasabing may mahigit 50 bullet holes.

Show comments