Sa pagkamatay ng kanilang mangingisda... Taiwan walang bagong kondisyon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Malacañang na walang bagong kondisyon na ipinataw ang Taiwan sa ga­gawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigations (NBI) sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, mismong si Justice Sec. Leila de Lima ang nagbigay paliwanag na walang katotohanan ang nasabing media report.

“Sec. De Lima said there are no new conditions. She informed me they are just firming up certain details…We can’t disclose those new arra­nge­­ments,” ayon kay Usec. Valte.

Una rito, iniulat ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang panibagong delay sa biyahe patungong Taiwan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa gaga­wing parallel investigation sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman sa bahagi ng Balintang Channel.

Ayon kay MECO Chair Amadeo Perez, nagkaroon kasi nang panibagong kondisyon ang Taiwanese government laban sa Pilipinas.

Una ng tinukoy ng opisyal na nakumpleto na ang clearance ng NBI probe team na kailangan para sa kanilang pagtulak papunta sa nasabing bansa para sa tatlong araw na pagkalap pa ng dagdag na impormasyon.

Binigyang-diin ni Valte na nanatiling “highest priority” ng NBI ang gagawing pagsisiyasat.

Show comments