MANILA, Philippines - Labing-apat na nanalong partylist groups ang pormal nang iprinoklama kahapon ng umaga ng Commission on Elections (Comelec) sa isinagawang seremonya.
Ang mga ito ay ang Buhay; ATeacher; Bayan Muna; 1Care; Akbayan; Ako Bicol; Abono; OFW Family; Gabriela; COOP NATCCO; AGAP; Cibac; Magdalo at An Waray na magkakaroon ng tig-isang kinatawan sa Kongreso matapos makakuha ng sapat na boto.
Plano naman ng Comelec na i-anunsiyo sa susunod na linggo ang 44 pang party-list groups na kukumpleto sa 58 grupo.
Nakabinbin pa rin ang proklamasyon sa mga dinisÂkwalipikang grupo na may mataas na nakuhang boto kabilang ang Senior Citizen partylist na pasok sa top 10.