71-anyos na lola ginulpi ng 54-anyos na lover

MANILA, Philippines - Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 71-anyos na lola matapos itong gulpihin ng kanyang 54-anyos na ka-live in naganap kamakalawa sa Brgy. San Isidro, Liloy, Zamboanga del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Rosario Borling, biyuda at residente ng Brgy. Panabang, Liloy ng nasabing lalawigan. Habang naaresto naman ang live in partner nitong si Romulo Bayubay.

Batay sa ulat, bago naganap ang gulpihan bandang alas-9:10 ng umaga ay nag-away muna ang mag-live in matapos na hindi mapagbigyan ng biktima ang paglalambing ng suspek na humingi ng pera para sa bisyo nito.

Sa galit ng suspek ay ginulpe ang walang kalabanlabang matanda hanggang sa halos hindi na makagulapay sa tinamong mga sugat sa katawan bago tinigilan.

Isang kapitbahay ang nagmalasakit na siyang nagsumbong sa pulisya na ikinaaresto ng suspek.

 

Show comments