MANILA, Philippine s- Binaril habang nagmamaneho sa kanyang kotse papasok sa kanyang trabaho ang isang 51-anyos na babaeng branch manager ng isang bangko ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo kahapon ng umaga sa Taft AveÂnue, Ermita, Maynila.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa leeg ay nakilalang si Rosemarie Gatan, branch manager ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Padre Faura at residente ng 179 VG Cruz St., Sampaloc, Maynila.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang Mazda (PBQ-172) at binabaybay ang southbound ng Taft Avenue nang lapitan ito ng isang motorsiklo at dito ay binaril siya ng nakaangkas pagtapat sa Cosmpolitan Church.
Nagawa pang magmaÂneho ng biktima hanggang sa mawalan ng malay kaya’t sumalpok ito sa kilometer post ng Pearl Orient Hotel na nasa tapat ng NBI.
Nabalitaan ng mga kasamahan sa BPI ang nasabing ambush nang magtungo sa kanilang bangko ang mga empleyado ng Land Bank na nag-usyoso sa insidente.
Walang kinuha ang mga suspek sa biktima na dala ang maraming tseke at maÂging ang pera at personal niÂtong gamit.
Patuloy ang imbestigasÂyon kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay o tangkang agawin lang ang sasakyan nito.