MANILA, Philippines - Tiyak na ang pagbabago sa liderato ng Senado at pagbaba sa puwesto ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos luÂmabas ang 9-3 sa nakaraang senatorial elections pabor sa Team PNoy.
Ito ang sinabi kahapon ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada kaugnay sa posibleng pagbabago ng leadership ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagpasok ng 16th Congress sa Hulyo.
Posibleng mag-request umano si Estrada ng meeÂting sa tinawag niyang “macho bloc†ng Senado kung saan posibleng makasama sina senators-elect Nancy Binay at JV Ejercito-Estrada, at Senator Ramon Bong Revilla.
Una nang sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago na posibleng magkakalaban sa Senate Presidency sina Senators Alan Peter Cayetano at Franklin Drilon.
Ayon naman kay Senate Majority Leader Vicente Sotto may isa pang senador na naghahangad na maging kapalit ni Enrile na hindi nito pinaÂngalanan.
Ilang beses na ring sinabi ni Enrile na hindi naman siya kapit-tuko sa puwesto at nakahanda siyang bumaba bilang lider ng Senado anumang oras.