MANILA, Philippines - Inihayag ni Dr. Eduardo C. Janairo Jr., director ng Department of Health-National Capital Region na base sa pinalabas na datos ng Philippine Cancer Facts and Estimates noong 2010 na ang cervical cancer o ang cancer of the cervix ay ikalawang common cancer sa kababaihan.
Lumilitaw na mayroong 6,000 new cases ng cervical cancer taun-taon at 12 Pinay ang umanoy namamatay araw-araw.
Napag-alaman din na sa buong mundo ay 500,000 kababaihan ang na-diagnosed na may cervical cancer at sa naturang bilang 250,000 ay inulat na namatay worldwide at 80% ay nasa umuunlad na bansa.
Wala umanong nakikitang sintomas sa unang stage ng cervical cancer ngunit sa katagalan ay nakikitang senÂyales nito ay ang pagkakaÂroon ng abnormal vaginal bleeding, na kadalasan ay nagaganap matapos ang paÂkikipagtalik at abnormal vaginal discharge.
Ang cervical cancer ay sanhi ng human papilloma virus (HPV), karaniwan na rito ang sexually transmitted infection sa kalalakihan at kababaihan, sinasabing naisasalin ito sa pamamagitan ng through skin-to-skin contact, hindi rin umano kailangan ang intercourse upang mailipat ang virus nito.
Sinabi ni Dr. Janairo na karaniwang mas apektado ng cervical cancer ay mga kabataang babae na sumasapit sa edad na 30 pataas.
Pinawi rin ni Dr. Janairo ang pangamba ng kababaihan na walang dapat na ikaÂtakot sa cervical cancer dahil sa mayroon aniyang lunas sa naturang sakit lalo na kung maagang matutukoy at magagamot.