MANILA, Philippines -Pinutol na ang dekaÂdang paghahari ng pamilya Gordon sa Olongapo City matapos natalo ang mga ito sa nakalipas na eleksyon.
Tinalo ni Rolen Paulino ng Sulong Zambales Party bilang mayor ng lungsod sa nakuhang boto na 40,664 laban kay Anne Marie Gordon na nakaÂkuha lamang ng 27,648 na papalit sana sa iiwaÂnang puwesto ng kanyang asawang si James Gordon Jr. na tumakbo naman bilang kinatawan ng unang distrito ng Zambales.
Ang pamangkin ni GorÂdon na si Bugsy Delos Reyes ay nakakuha laÂmang ng 10,093 boto.
Matapos ang proklamasyon, sinabi ni Paulino na, “tapos na ang politika. Mayroon ng bagong mukha ang Olongapo, at ang Olongapo ay mayroon ng bagong kasaysayan.â€
Ilan sa mga tutuparin umanong pangako ng bagong punong-lungsod ay ang pagbaba ng bayarin sa pagtatayo ng negosÂyo sa lungsod, pag-alis sa garbage fee sa mga maÂmamayan, ipagpatuloy ang paglaban sa pagtatayo ng coal plant, at maging bukas sa mga transaksyon at wakasan ang korapsyon.
Tinalo din si dating Olongapo City mayor Bong Gordon, nakababaÂtang kapatid ni dating Sen. Dick Gordon ni Jeffrey Khonghun para maging kiÂnatawan sa unang distrito ng Zambales.