MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa limampung kandidato, pulitiko at mga supporters ang nasawi habang 65 ang nasugatan sa 2013 midterm polls sa iba’t ibang panig ng bansa nang mag-umpisa ng election period nitong Enero.
Subalit, kung ikukumpara noong 2007 at 2010 ay hindi gaanong madugo ang idinaos na midterm elections.
Sa naitalang 81 biktima ng Election Related Violence (ERVI) mula Enero hanggang Mayo 13 ng taong ito ay higit itong mababa kumpara sa 146 ERVI na nairekord ng pulisya noong 2010 at 151 ERVI naman noong 2007 national elections.
Sinabi ni Cerbo na sa 2013 midterm elections ay 50 ang naitalang namatay at 65 naman ang nasugatan na higit na mababa kumpara sa 54 nasawi at 74 nasugaÂtan noong 2010 habang noong 2007 ay 56 ang nasawi at 69 naman ang nasugatan.