MANILA, Philippines - Isang lalaki na umaÂno’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang malapitang binaril sa ulo habang naglalakad sa Quiapo underpass sa Maynila kahapon ng hapon.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilaÂlang si Datson Pillas Y GuapÂlos, 35, ng Balatican, Maguindanao, batay sa nakuha sa kaniyang dalawang ID.
Ang suspek na kaswal lang naglakad papalayo ay inilarawan na nasa pagitan ng 35-40 ang edad, nakasuot ng maroon na t-shirt na may collar, nakaÂsuot ng maong pants, rubber shoes, na armado ng kalibre .45 baril patungo sa Islamic Center sa Quiapo.
Batay sa ulat, dakong alas 2:30 ng hapon, nang makarinig ng isang maÂlakas na putok ng baril ang mga vendor sa underpass sa R. Hidalgo St. Quezon Boulevard, Quiapo.
Isang vendor ang naÂkaÂkita na pababa ng underpass ang biktima nang sabayan ng suspek at pinaputukan sa ulo.