MANILA, Phillippines - Dinukot ng dalawang hindi pa nakikilalang laÂlaki ang isang babaeng brodkaster habang ito ay kumakain sa isang restaurant kahapon ng madaÂling-araw sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Melinda Jennifer GleÂfonia, dalaga, reporter/broadcaster ng isang lokal radio station 103.1 Edge Radio na nakabase sa Candelaria at residente ng Lucena City.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw habang ang biktima ay kumakain sa isang restaurant sa may Argao St., Brgy. Poblacion, CandelaÂria nang dukutin ng dalawang lalaking armado ng baril na nakatakip ng panyo ang mga mukha.
Puwersahang sinakay sa isang kulay silver na Toyota Innova na may conduction sticker na 7858.
Batay sa ulat, bago naganap ang pagdukot ay madalas na umanong nakakatanggap ng death threats ang biktima sa paÂmamagitan ng text at tawag sa cell phone lalo na kapag umaga.