MANILA, Philippines - Utas ang isang 12-anyos na baÂtang lalaki habang nilalapatan pa ng lunas ang nakatatandang kapatid nito nang ma-suffocate sa loob ng kanilang nasunog na condominium unit sa Binondo, Maynila, kahapon ng tanghali.
Hindi na nailigtas ang buhay nang isugod sa MeÂtropolitan Medical Center ang biktimang si Kevin Uy, residente ng unit 501 Peace Building, San Nicolas St., Binondo, bunga ng suffocation.
Tagumpay namang nai-revive ang wala ring malay na si Shannan Nicole Uy, 13-anyos, nang dalhin sa Justice Abad Santos Mother and Child Hospital at agad ding inilipat sa Chinese General Hospital para sa tuluyang paggaling.
Sa naging pahayag ng isa sa rumespondeng residente ng lugar, na kinilalang si Mark Angelo Ong, may narinig silang humihingi ng tulong at nang puntahan ang unit ng mga biktima ay nakapadlock ito kaya sinipa nila upang puwersahang buksan kung saan sumalubong ang napakakapal na usok.
Nakatalukbong ng kumot ang magkapatid at wala ng malay tao nang kanilang dalhin sa pagaÂmutan.
Ayon kay Chief InsÂpector Bonifacio Carta, hepe ng investigation division ng Manila Fire DisÂtrict, nasa kalahating milyong piso ang inabot nang nasunog na condominium.
Nabatid na ang mga magulang ng magkapatid ay iniwan sila upang mag-asikaso ng kanilang tindahan sa Binondo.
Umabot sa ika-3 alarma ang sunog at naapula makalipas ang mahigit isang oras, na nagsimula alas-11:54 at naideklarang fire-out alas-12:39 ng tanghali.