MANILA, Philippines -Inaasahan ang labis na init sa araw ng eleksyon kaya’t dapat na mag-ingat ang mga botante na nakapila sa mga polling precincts sa araw ng Lunes.
Ito ang naging panawagan ni Health Secretary Enrique Ona kaya’t mas makabubuti anya kung iiwas ang publiko sa labis na pagbibilad o pananatili nang matagal sa ilalim ng sikat ng araw.
Kung hindi naman aniya maiiwasang mabilad ay dapat na magdala ang mga ito ng mga panangga sa sikat ng araw tulad ng payong at sumbrero.
Dapat ring magdala ang mga ito ng tubig na inumin sa pagtungo sa mga polling places upang makaiwas sa heat stroke.