Mga pulis nagtanim ng bomba sa bahay ng mayor

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganin ang mga pulis na nagsagawa ng raid sa bahay ng isang Negros Occidental mayor matapos umamin ang isa sa kanilang kasamahan sa “pagtatanim ng ebedensiya”.

Sinabi ni Atty. Rhoem Arbolado, abogado ni Pulupandan town mayor Magdaleno Peña, pinag-aaralan na nila ang posibleng ikaso laban sa mga pulis na lumusob sa bahay ni Peña sa Bgy. Ubay noong Mayo 3, kung saan nakakuha umano sila ng mga armas at bomba.

Sa affidavit na ipinasa nitong Mayo 8 ni SPO1 Rosendo Bersal, Jr. ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinabi nitong siya at ang kanyang kasamang si SPO3 Jayvee Aglipay, kasama rin sa raiding team, ay inatasan na pumirma ng affidavit sa PNP  Special action force elements upang patunayan na nakakuha sila ng dalawang piraso ng TNT sa guard’s quarter ng ancestral house ng mga Pena.

Ayon kay Bersal pinatawag sila ni Aglipay ng CIDG legal officer sa CIDG-Bacolod headquarters sa Bays Center at muling inutusan na “mag-execute mag-joint affidavit of arrest” para sa inquest proceedings.”

Dito na umalma ang nasabing opisyal at uma­ming wala silang nakitang anumang armas sa nasabing pagsalakay.

 

Show comments