MANILA, Philippines - Nanguna at tinanghal na panalo si Caloocan City Vice Mayor and Liberal Party (LP) congressional candidate Edgar “Egay†Erice sa ginawang mock polls mismo ng Commission on Elections (ComeÂlec) noong nakaraang linggo laban sa kanyang tatÂlong katunggali sa halalan sa May 13, 2013.
Sa ginawang mock polls na pinangunahan ng Board of Election Inspectors (BEIs) kung saan may 2,354 na boto ang na-tabulate nito mula sa mga registered voters na pinili mismo sa lugar ng botohan, idineklarang wagi si Erice na nakakuha ng 49% o 1, 154 na boto.
Pangalawa sa kanya ay si dating congressman na si Baby Asistio na nakakuha ng 27% o 641 na boto samantalang pumangatlo naman ang kasalukuyang congresswoman na si Mitch Cajayon na nakakuha lamang ng 22% o 521 na boto at ang pinakahuli ay si Carding Cabochan, 1% of 38 na boto.
Ginanap ng Comelec ang nasabing mock polls sa iba’t-ibang polling precincts sa lungsod at kung saan nasubukan ang performance ng mahigit na 300 na Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na siyang gagamitin sa mismong halalan sa May 13.
Sa ginawang poll survey naman nitong Abril 29 na isinagawa ng Philippine Survey and Research Center (Psrc) kung saan may 300 na respondents ang lumahok ay lumabas na mas pinapaboran ng maraming botante si Erice na maging Kinatawan ng District 2 ng lungsod maÂtapos makakuha ng 41%, pumangalawa si Cajayon na may 37%, Asistio ay 19%, at si Cabochan, 2%, at 1% ay undecided.