Kelot dedo sa salpok ng van

MANILA, Philippines -Nanawagan ang pamunuan ng QCPD-District Traffic Enforcement Unit sa sinumang kaanak ng isang lalaki na nasawi ma­tapos mabangga ng isang Mitsubishi Canter Aluminum van noong Mayo 1, ganap na alas-4:00 ng madaling-araw sa kanto ng Limbaga at Scout Tobias St., Brgy. La­ging Handa, ng nasabing lungsod.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 28-30 ang edad, medium built ang katawan, deretso ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt  at short. Ang taas ay nasa 5’6”-5’8” at may tattoo na “RAYGAN” sa ka­liwang dibdib.

Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nasa morgue ng Prime Funeral Services na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Litex, Brgy. Commonwealth, QC.

Makipag-ugnayan ang sinumang kaanak o sinuman sa QCPD-Traffic Sector-4. Edsa, Kamuning sa telephone # 414-8002.

Show comments