Bam inendorso ng El Shaddai

MANILA, Philippines - Inendorso ni Bro. Mike Velarde,ng grupong El Shaddai at White Vote Movement ang kandidatura ni Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino.

Ayon kay Velarde, nakuha ni Bam ang basbas ng grupo dahil may kumpiyansa silang maisusulong ng plataporma ni Aquno ang patuloy na pag-unlad ng bayan sa pamamagitan ng kanyang mga repormang nakatutok sa pag-angat ng kita’t kabuhayan ng mga Pilipino.

Lubos naman ang pasasalamat ni Bam sa suporta at paniniwala ng grupo sa kanyang integridad at mga adhikain sakaling maging senador.

“Paiigtingin po natin ang pagsulong ng aking plataporma upang masolusyunan ang mga isyung hinaharap ng ating bayan, anuman ang ating mga paniniwala, upang siguradong walang nakakaligtaan sa ating Tuwid na Daan.” wika ni Bam

Ang El Shaddai at White Vote Movement ay nadagdag sa mga grupong umendorso kay Bam tulad ng 1-Utak, Urban Poor Associates, Movement for Good Governance, One Nation Movement, US Pinoys for Good Governance, Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership, Ten Tribes of Davao City, at marami pang ibang indibidwal at grupo.

Show comments