Full alert para sa eleksyon ikinasa ng PNP

MANILA, Philippines - Ikinasa na kahapon ng Philippine National Police (PNP)  sa full alert status ang 148,000 nitong mala­kas na puwersa sa buong bansa sa gagana­ping midterm election sa Mayo 13.

Ayon kay Chief Supt. Miguel Antonio, Deputy National Task Force Commander  ng SAFE (Secured and Fair Elections) 2013, ang hakbang ay upang matutukan ang seguridad para sa matiwasay at mapayapang halalan.

Nangangahulugan na kan­selado muna ang bakas­yon at ipakakalat na ang mga karagdagang 30,000  pulis para ideploy partikular na sa mga idineklarang ‘high risk areas’ na matindi ang labanan sa pulitika at mga nangyayaring karahasan.

Show comments