Diskwento sa pagkain hiniling sa DTI… Pagkagutom at paghihirap ng mga batang Pinoy tumataas

MANILA, Philippines - Prayoridad ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile ang “food sovereignty” sa kanyang political agenda kung mahahalal sa Senado.

Ang mataas na malnutrisyon partikular sa mga bata na lalong nagpapalayo sa economic growth ng bansa at sa ma­ba­bang kalidad ng pamumuhay ng ma­raming Pilipino.

 Aniya, walang kahulugan ang ipi­nagmamalaki ng pamahalaan na pag­lago ng ekonomiya sa mga mahihirap na “kumakalam” ang sikmura.

Taliwas ang naiulat na economic growth ng bansa dahil sa lalong tumataas ang pagkagutom at paghihirap ng mga Filipino na karamihan ay mga bata.

Nanawagan din si Enrile, na kinatawan din ng unang distrito ng Cagayan, sa pamahalaan na tutukan ang problema ng pagkagutom.

Samantala, hinimok din ni Enrile ang Department of Trade and Industry (DTI) na dagdagan pa ang kanilang nationwide “Diskwento Caravan” ng mas maraming food products na affordable o abot-kaya sa masang Pilipino.
Ang naturang caravan na kasaluku­yang nag-iikot sa mga lungsod at mga munisipalidad sa buong bansa ay ni­la­lahukan ng mga manufacturer ng mga items tulad ng generic medicine, tinapay, sardinas, mantika, processed
meat, prutas, gulay, sabon at mga school supplies.

Ayon kay Enrile, ang Diskwento Caravan ay malaking tulong sa mga consumer na kakaunti lamang ang budget kaya’t magandang ideya aniya kung ang naturang proyekto ay regular nang isasagawa sa buong taon.

Kaugnay nito, isinusulong ni Enrile ang Food Master Plan na nakasaad
sa House Bill 4626 o ang Food for Filipinos, na siyang unang panukala na inihain niya sa Kongreso.

Aniya, nakasaad dito ang mga madadaling solusyon sa pangangailangan ng
mga tao sa sapat na pagkain kaya’t sa pamamagitan nito ay tiyak ani­yang ma­reresolba ang problema sa kagutuman sa bansa.

 

Show comments