MANILA, Philippines - Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang isang motorcycle rider nang tumuhog sa katawan nito ang bakal na karga ng isang trak matapos siyang sumalÂpok dito kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Bukod sa pagkatuhog ng bakal na naging dahilan ng kamatayan ng biktimang si Dorotheo Rodriguez, ng Palanan, Makati City ay nagtamo rin ito ng grabeng pinsala sa ulo.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga ay miÂnaÂmaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (3937 TJ) nang mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa likurang bahagi ng nakaparadang Isuzu delivery truck (PJH-132) sa harapan ng isang junk shop sa Iba Street.
Sa lakas ng pagkakaÂsalpok ay pumutok ang ulo ng biktima kahit nakahelmet at tumusok sa kanyang katawan ang ilang mga nakausling 10 mm.square bar na kabilang sa mga kargamento ng nakaparadang trak.
Ilang nakasaksi ang naghayag sa otoridad na masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo ng biktima at nagtangkang mag-overtake sa siÂnusundang sasakyan ngunit nabulaga sa nakaÂparadang trak.