2 Bata natupok sa sunog

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala dahil sa pagkasunog ng buong katawan ang dalawang 4-anyos na ba­tang lalaki na kinilalang sina Arjun Salombre at  Jaybrix Jacobe, kapwa re­sidente ng no. 2527 Blu­mentritt Ext. kanto ng Felipa St., Sampaloc, Maynila nang ma-trap sa loob ng kanilang bahay matapos masunog ang isang commercial-resi­dential area kahapon ng umaga. 

Sa ulat, naglalaro uma­no ang dalawang paslit nang magsimula ang sunog sa ikalawang pala­pag ng bahay ni Myla Florendo, dakong alas-11:30 ng umaga na umabot sa ikatlong alar­ma bago idineklarang fire­out dakong alas 11:59 ng tanghali na kung saan ay apat na bahay ang nadamay na kinabi­bi­la­ngan ng bahay ng mga biktima.

Show comments