Bam pasok sa MGG mock polls

MANILA, Philippines - Pasok si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino sa listahan ng Top 12 senators sa mock poll na inilunsad ng Movement for Good Go­vernance (MGG) matapos ang forum na “Timbangan 2013.”   

Kasama si Bam sa mga kandidatong puma­sa sa dalawang round ng botohan gamit ang “sco­recard” ng grupo kung saan siniyasat ang kanilang pagiging epek­tibo, empowered, at ethical” ng bawat kandidato.

Ayon sa chairman ng MGG na si Solita “Ma­reng Winnie” Monsod na ang layunin ng mock polls ay mabigyan ang mga botante ng masusing timbangan para makita kung karapat-dapat bang makuha ng mga kandidato ang kanilang boto.

Matutulungan ng sco­recard na ito na maka­buo ang mga botante ng matalinong desis­yon sa gitna ng gimmick at pakulo ng mga na­nga­ngam­panya.

 

Show comments