MANILA, Philippine s- Isang mayoralty candidate ng partidong (United Nationalist Alliance) ang inaresto habang nangaÂngampanya kaugnay ng kaÂsong tax evasion sa isiÂÂnagawang operasyon sa Brgy. Bitoon, Jaro District, Iloilo City nitong MiyerÂkules ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay inaÂresto ng PNP-Intelligence Group na nakabase sa Camp Crame si Rommel Ynion, negosyante at kandidato ng UNA sa pagka-alkalde ng lungsod.
Si Ynion ay katunggali ng reelectionist na si Mayor Jed Patrick Mabilog ng Liberal Party na sumama pa sa pag-aresto sa mahigpit nitong kalaban sa pulitika.
Ang negosyante ay nahaharap sa kasong 19 counts ng paglabag sa ReÂpublic Act No. 8424 sa ilalim ng Tax Reform Act ng 1997 na may tig-P20,000 piyansa bawat isa.