Sabit sa dyip nahulog, tepok

MANILA, Philippines -Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Frankie Castro, 43, empleyado ng gobyerno, ng 123 Kasunduan St., Brgy. Commonwealth,Quezon City matapos mahulog habang nakasabit sa dyip (DET-781) dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Elliptical Road, Commonwealth Avenue.

Ang biktima ay una ang ulo na bumagsak sa semento at pinsala sa katawan.

Show comments