MANILA, Philippines -Mapatutunayan sa darating na halalan sa Mayo 13, 2013 kung matatalino nang botante ang mga Pilipino sa pagpili ng mga kandidato na nasa isip ang kinabukasan ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Team PNoy senatorial candidate Aquilino “Koko†Pimentel III,dahil sa nahaharap ang mamamayan sa kritikal na halalan kaya’t nananawagan ito sa wastong paggamit ng karapatang bumoto, ang kapangyarihang magagawa lamang ng mga Pilipinong mapagmahal sa kalayaan.
Naniniwala si Pimentel na ang darating na halalan ang magpapaÂlakas sa demokrasya at iimpluwensiya sa kalidad ng pamumuno sa susunod na dekada.
Si Pimentel ay pambansang lider na kumakatawan sa Mindanao at Katimugang Pilipinas na kabilang sa 12 pangunahing kontender sa susunod na Senado base sa independiyanteng poll surveys at mock polls.
“Bumoto kayo nang malaya, tanggihan ang anumang panunuhol at politika ng pera,†ani Pimentel. “Bumoto kayo batay sa inyong konsensiya.â€