Bata dinukot ng ‘baliw’ na ginang, timbog

MANILA, Philippines - Isang ginang na umaar­teng baliw ang inaresto ng pulisya matapos na tangkang dukutin ang isang 9-anyos na batang babae kahapon sa Caloocan City.

Ang suspek na inaresto ay kinilalang si Ma. Katlea Velasquez, 32,  ng Antigue St., Bago Bantay, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay nabatid na pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa BMBA ng nasabing lungsod na kung saan ay hinatak nito ang natutulog na bata hanggang sa ito ay nagising.

Nagpupumiglas ang bata hanggang sa kalsada na nakita ng kapatid ng una kaya’t upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod at naaresto ang suspek.

Habang nasa presinto ay nag-aarte na baliw ang suspek na hindi umubra sa mga pulis na sinampahan ng kasong attempted kidnapping.

Show comments