MANILA, Philippines - Maging ang ate ng Pangulong Noynoy Aquino na si Pinky Aquino-Abellada ay nangamÂpanya para sa pinsan-buo nilang senatoriable na si Benigno Bam Aquino.
Sa ipinatawag na salu-salu ni Pinky, nais umano niyang ipakilala sa publiko ang kanyang pinsang si Bam, na inihalintulad niya sa mga yumaong magulang na sina Ninoy at Cory Aquino.
“Si Bam ay simpleng tao katulad ng aking amang si Ninoy, at inang si Cory. Wala siyang luho sa katawan, kaya mas madali talikuran ang mga temptasyon,†paliwanag ni Pinky.
Ikinuwento rin niya ang angking galing at taÂlino ni Bam, na nagtapos ng valedictorian mula elementary hanggang kolehiyo, at nagtapos rin ng summa cum laude, vaÂÂledictorian, at student council president mula sa pinakamahirap na kurso ng Ateneo de Manila University.
“Ang daming kumpanyang lumapit sa kanya para magtrabaho sa kanila, pero ang pinili ni Bam, ‘yung mga NGO na direktang nakakatulong sa mga mahihirap. MatuluÂngin si Bam,†ani Pinky.
Marami pang ibinida ni Pinky tungkol sa mabuÂting pagkatao ng kanyang pinsang si Bam Aquino.