Binata tigok sa karibal

MANILA, Philippines - Tigok ang isang binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang karibal sa panliligaw sa isang dalaga sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ho­ward Oliver Abina III, 27, makaraang magtamo ng mga tama ng saksak sa katawan. Habang ang kaibigan nitong si Danilo Corpuz, 37, may-asawa, ng Brgy. Baesa Quezon City ay ginagamot naman sa East Avenue Medical Center na sinaksak din.

Ayon kay SPO2 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso,  nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng isang Shirley Oliveria sa  #406 Salanap Compound, Sitio Mendez, Brgy. Baesa, ganap na ala-1:30 ng madaling-araw.

Sinasabing umakyat ng ligaw ang biktima kay Shirley pero may nauna na palang bisita ng dalaga.

Pagpasok ng dalawang biktima sa bahay ni Shirley ay naabutan nila ang mga suspek kaya nagalit sa kanila hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi para pag­sasaksakin ang mga biktima at mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Show comments