Ginang na may utang sinapak ng parak

MANILA, Philippines - Naospital ang isang 56-anyos na ginang matapos na sapakin siya ng isang pulis dahil sa utang nito sa misis ng pulis na naganap kamakailan sa Valenzuela City.

Ang suspek na kinasuhan kahapon ng physical injuries ay nakilalang si SPO2 Rajean Apolinar Mirando, nakatalaga sa Valenzuela City Police Admin Holding Area.

Sa salaysay ng bikti­ma na si Sylvia Arellano, ng Sabino St., Barangay  Marulas ng lungsod, da­kong alas-7:30 ng gabi noong Abril 20, 2013  ay ki­nompronta siya ng misis ng suspek sa Marulas Public Market dahil sa kanyang utang dito na hindi pa niya nababayaran.

Naging mainit ang pag­tatalo ng dalawang ginang hanggang sa sumulpot ang suspek  at sapakin ang biktima na dahilan para ito ay ma-confine sa ospital.

Nang makalabas kahapon ay doon lang ito nakapagsampa ng reklamo.

Show comments