Bodyguard ni Biazon namaril ng 3 katao

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang tatlong kalalakihan ng isang security aide  ni  Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozzano “Ruffy” Biazon habang nagsasa­gawa ng political caucus kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Ang suspek ay nakila­lang si Corporal Nelson Lubrin, miyembro ng Philip­pine Marines.

Ang mga biktima na dinala sa Asian Hospital at Muntinlupa Medical Center ay kinilalang sina Nilo Marullano; Victor at Oscar Parajili.

Sa ulat dakong alas-10:00 ng gabi sa isang co­vered court sa Barangay Putatan ng nabanggit na lungsod ay nagkaroon ng political caucus ang grupo ni Muntinlupa City Congressman Rudolfo Biazon na kung saan ay nandoon ang mga biktima na ang isa rito ay si Nilo na may galit sa suspek. Nagkaroon ng suntukan sa pagitan ng suspek at Nilo na kung saan tumulong dito ang dalawa pang biktima kaya’t pinaputukan sila ng suspek.

 

Show comments