14 pulis sa MM sinibak

MANILA, Philippines - Dahil sa mga kinakaka­harap na kasong kriminal at administratibo ay sinibak sa tungkulin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina ang 14 pulis.

Bukod dito ay may 44 pulis rin ang kanyang pina­tawan ng parusa dahil sa iba’t ibang pagkakasala habang nasa 21 pulis na malinis ang record ang bi­nigyan ng “Medalya ng Mabuting Asal” at nasa 838 medalya rin ang iginawad sa mga masisipag na tauhan ng pulisya. Nasa 14 na pulis ang nademote ng ranggo, 30 ang nasuspinde dahil sa “grave misconducts” at pagbalewala sa tungkulin.

 

 

Show comments