MANILA, Philippines -Napatay sa bugbog ang isang 6-anyos na batang lalaki habang minolestiya naman ang 9-anyos nitong ate ng walong kalalakihan na dumukot sa kanila kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang bangkay ng biktimang si Daniel Lebosura ay natagpuan sa gilid ng riles ng tren sa Magallanes malapit sa Don Bosco sa Makati City kahapon ng umaga.


Ang 9-anyos nitong kaÂpatid na babae ay natagpuan naman ng mga concerned citizen na umiiyak sa may Osmeña Highway malapit sa hangganan ng Makati at Pasay City.
Sinamahan naman ng mga ito ang bata sa bahay ng kanyang ina na siyang humingi ng saklolo sa Pasay Police.


Nagsagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Pasay City Police at naaresto ang walong suspek.
Sa pangunguna ni Anthony David na umamin na siya ang pumatay at nanghalay sa kapatid.


Sa salaysay ng ina ng mga biktima na si Helen Lebosura, 36, na dakong alas-10:00 ng gabi nang dukutin ang kanyang mga anak nang magtungo siya sa Evangelista St., sa Makati upang humango ng panindang balut.
Bigla umanong nawala ang mga bata nang makaligtaan niya ang mga ito.
Ayon sa batang babae, dinala sila sa isang lugar malapit sa riles ng tren sa may South Superhighway at kung anu-ano ang pinapagawa sa kanila ng mga lalaki kabilang ang pagpapakain ng panis na pagkain.
Kapag hindi sila sumusunod ay ginugulpi sila sanhi ng pagkasawi ng kanyang kapatid.


Minolestiya din siya ng ilan sa mga suspek na pilit na ipinasusubo sa kanya ang mga ari.