Bahay ng Mayor grinanada

MANILA, Philippines -Hinagisan ng granada ang bahay ng isang alkalde  na nagbulgar ng pagkakadawit umano sa jueteng ni Pangasinan Governor Amado Espino naganap kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Batay sa ulat, bandang alas-1:35 ng madaling-araw nang yanigin ng pagsabog ang compound ng bahay ni Bugallon Mayor Rodrigo Orduna na matatagpuan sa Brgy. Bugayong St.

Wala namang nasuga­tan sa insidente dahilan nagkataon na wala si Orduna sa kaniyang bahay nang mangyari ang pagsabog.

Ilang saksi ang nakakita na isang hindi nakilalang lalaki ang bigla na lamang naghagis ng granada sa bahay ni Orduna.

Magugunita na noong Disyembre ng nakalipas na taon ay humarap sa press briefing ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si Orduna sa Camp Crame at isinabit sa illegal na operasyon ng jueteng si Gov. Espino.

Show comments