MANILA, Philippines -Isang re-electionist na konsehal ang nasawi matapos itong ma-heat stroke habang nangangampanya sa kainitan ng sikat ng araw kamakalawa sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.
Ang biktima na binaÂwian ng buhay sa ospital ay nakilalang si Rafael LeÂgaspi Sr.
Batay sa ulat, katanghaliang tapat ay nangaÂngampanya ang biktima nang bigla itong makaramdam ng pananakit ng ulo at pagsisikip ng dibdib na nahirapang huminga kaya nagdesisyong umuwi ng kanilang bahay upang magpahinga.
Pagdating sa kanilang bahay ay nagsuka ito ng dugo na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay binawian ng buhay.
Si Legaspi ay nanilbihan bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa loob ng mahigit limang taon sa kanilang bayan.
Ang heat stroke na karaniwan ay umaatake kapag sobrang taas ng init ng temperatura ay naÂkamamatay kapag hindi naagapan.
Dahil sa naturang pangÂyayari muling nagpaalala ang mga kinauukulan na kapag nakaranas mga sintomas ng heat stroke tulad ng panghihina, pananakit ng ulo, pagpapaÂwis at pagsusuka ay agad kumonsulta sa mga doktor.
Magugunita na kamakailan lamang ay isa ring tumatakbong mayor sa Sorsogon ang nasawi dahil sa heat stroke.