MANILA, Philippines - Natusta sa sunog ang isang lola at tatlo nitong apo matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina EufeÂmia Cuadra, 56 at mga apo na sina Shenalyn Samosa, 4; Rebecca, 2; at Alexandria,1 pawang residente ng Santa Teresa St., Admin Site, Tala ng lungsod.
Ayon sa ulat ng Caloocan City Fire Department, bago naganap ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa bahay ay nabatid na iniwan ng ina ng mga bata na si Jocelyn ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay upang makipanood ng telebisyon sa kapitbahay.
Dahil walang kuryente ay naiwan ang gaserang gamit bilang ilaw, subalit makalipas ang ilang sandali ay biglang nagliyab ang bahay na gawa lamang sa light materials.
Hindi na nakalabas ang lola dahil sa nahirapan na itong makalakad at maÂging mga apo ay hindi na rin nakalabas dahil sa pintuan nagsimula ang sunog.
Halos kalahating oras tumagal ang sunog at nang maapula ang apoy ay nakita ang halos mga tustadong bangkay ng mga biktima.