Pulis, NGO’s nakiisa sa Earth Day

MANILA, Philippines - Nakiisa ang  mga  opisyal at miyembro ng Bataan police provincial office ng Manila-based Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association sa clean-up drive sa Mariveles, Bataan bilang pagsuporta sa  pag­diriwang ng Earth Day, noong Sabado.

Pangunahing isinagawa sa clean up drive ang tree-planting activity ng La Filipina Uygongco Corporation na pinangunahan ni Mariveles municipal mayor Dr. Jesse I. Concepcion na makikita sa ibabang la­rawan na kasama ang mga pulis sa pagtatanim ng 400 samplings ng  coconut trees sa coastline ng  Barangay Townsite, sa Mariveles.

Show comments