MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Consolidated Mines, Inc, (CMI) ang naglabasang ulat hinggil sa aniya’y pagbasura ng Zambales Regional Trial Court sa inihain nilang petition for injunction matapos paboran ang isang small scale miner na makapaghakot ng chromite at mag export nito mula sa stockpile ng kumpanya sa Coto mines site.
Ayon sa CMI ang petition for Injunction with Damages na may SP. Civil Case No. RTC-162-I ay nananatili aniyang naka-pending sa Branch 71, RTC Iba, Zambales at hinhintay pa ang araw ng pre-trial ng kaso.
Nilinaw din ng CMI na maaring ang sinasabi ng RTC ng Iba, Zambales ay maaring ang application for a preliminary injunction ang ibinasura ngunit hindi aniya ang petition for injunction.