Paslit nalunod sa timba, dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang taon at 11 buwang gulang na batang babae matapos itong aksidenteng malunod sa isang timbang tubig sa comfort room ng kanilang tahanan sa Brgy. Basdiot, Moalboal, Cebu kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay naki­lalang si Trisibbell Monor, na nadiskubreng  wala ng buhay na nakasubsob ang ulo sa isang timbang tubig.

Sa ulat ng Cebu Police, dakong alas-4:00 ng hapon ng matagpuan ang bangkay ng biktima ng nakatatanda nitong kapatid  na lalaki matapos na pumasok ito sa comfort room ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon pulisya, sinasabing nakatulog ang yaya ng bata na si Sally Fuentes, 22 anyos at sa sobrang kalikutan naman ng bata ay nagtungo ito sa comfort room at naglaro ng tubig sa timba  na siyang naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Kaugnay nito, determinado naman ang pamilya ng bata na sampahan ng kaso ang yaya ng biktima dahilan sa kapabayaan.

Show comments