MANILA, Philippines - Hindi muna pinapahinÂtulutan ng Metropolitan Manila Development AuÂthority (MMDA) ang pagdaraos ng “fun run o marathon†ngayong Linggo bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad ng publiko kasunod ng naganap na pagsabog sa Boston sa Estados Unidos.
Ayon kay Vincent LiÂzada, ng MMDA-Metrobase, hindi muna sila nag-isyu ng permit sa anumang uri ng fun run, marathon o kahalintulad na aktibidad para ngayong linggo sa pangamba na magaya rin ang Pilipinas sa nangyari sa Estados Unidos.
Sinabi ni Lizada na mas mabuti na umanong nag-iingat ang otoridad kaysa sa masyadong reÂlaks at malulusutan ng mga terorista.
Una nang nanawagan ang MMDA sa mga orgaÂnizers ng mga fun run at marathons at sa Philippine National Police (PNP) sa paghahanda ng “security plans†at pagkuha ng permit muna bago magsagawa ng fun runs sa Kamaynilaan.
Usong-uso ngayon ang mga “fun runs at mini-marathons†na dinudumog ng libo-libong local at maging mga dayuhang “running enthusiastsâ€.