Bangkay ng lalake inanod sa beach

MANILA, Philippines - Lumutang sa isang beach sa Olongapo City ang bangkay ng lalake na pinaniniwalaang pinatay sa bayan ng Subic at inanod lang sa lungsod ang natagpuan noong Miyerkules.

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa bangkay ng biktima na nakita ng mga residente sa dalampasigan ng Baloy Beach.

Ang biktima ay may mga saksak sa dibdib at nakatali ang kamay at paa, habang may nakataling malalaking bato din sa paa nito, bagay na nagpapalaki sa hinala ng mga pulis na ito ay biktima ng salvage mula sa Subic.

Ang biktima ay nakasuot lamang ng shortpants, may malaking bato na nakatali sa paa.

Show comments