MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi matapos na mahulog ang isa mula sa ika-apat na palapag ng gusali habang ang isa ay nahulog naman sa bubungan ayon sa ulat ng pulisya.
Nabatid na dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na si Leonides Hillar, 37, messenger/liason officer matapos na mahulog mula sa ika-4 na palapag ng gusali ng Missionway Manpower Services.
Malaki ang hinala ng puÂlisya na nakainom ang bikÂtima nang ito ay atakehin ng kanyang nervous breakdown habang tinatangkang bumaba sa pasimano ng bintana kaya’t nahulog.
Nasawi rin ang isang 65-anyos na kawani ng Manila City Hall na si Lorenzo Palileo, may-asawa, karpintero at nakatalaga sa Vitas Slaughter House matapos na mabasag ang bungo at pagkabali ng mga buto sa tagliran nang mahulong mula sa kinukumpuning bubungan ng slaughter house kahapon ng alas-9:00 ng umaga sa Tondo, Maynila.
Ayon sa salaysay ni Rodel Enriquez, 33, helper, umakÂyat ang biktima sa bubong ng slaughter house upang kumpunihin ang mga butas ng yero nito. Habang ginugupit umano ng biktima ang yero na ipapalit sa luma nang umapak ito sa pamakuan, subalit bumigay ito at nahulog kung saan naÂuna umano ang ulo nito na bumagsak sa semento.