MANILA, Philippines -Tumanggap ng GaÂling Pook Award ang SaÂraÂngani Province na tinanggap ni Sarangani Governor Miguel Dominguez dahil sa programa nitong Quality Education for Sarangani Today (QUEST) na nagsisikap mapaunlad ang kalidad at daan sa edukasyon ng mga kabataan at nagtuturo sa mga ito.
Kasama ni Gov. DoÂminguez na tumanggap ng award ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) dahil akÂtibong sumusuporta ang kompanya sa pagmiÂmina sa QUEST nitong huÂling tatlong taon sa pagkaÂkaloob ng suportang pinansiyal at teknikal sa programa.
Si Pangulong Benigno S. Aquino III ang nagkaloob ng Galing Pook Award sa mga pamahalaang lokal na nagpapaÂtupad ng makabago at epektibong praktis sa serbisyo ng pamahalaang lokal. Ang mga napipiÂling progÂrama ay nagiÂging modelo ng mabuting pamamahala at nagpapaÂkita ng pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal sa mga komunidad at sektor ng negosyo na nasa lugar nito para makakita ng makabagong solusyon sa mga karaniwang problema.