MANILA, Philippines -Bulagta ang isang mister makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay kausap ang kanyang misis sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Agad na nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Aldrin Garcia “alias Baldoâ€, 37, ng Sampaguita St., Barangay Tagalag, Valenzuela City.
Sa imbestigasyon nina SP01 Jerry Dela Torre at P02 Ryan Glenn Isidro, ng Malabon City Police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng umaga sa tapat ng Longlife builing, kahabaan ng General Luna St., Barangay San Agustine, ng naturang lungsod.
Nabatid, na kababa lamang ng misis ng biktima at habang pinaparada nito ang kanilang motorsiklo at nag-uusap nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima habang hindi naman sinaktan ang ginang.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng kalibre 45 baril.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo ng krimen at madakip ang mga salarin.