MANILA, Philippines -Utas ang isang American national o Kano makaraang barilin ng malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang rinding-in-tandem habang ang biktima ay nasa loob ng kanyang coffee shop sa Parañaque City, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si Jeff Watts, 62-anyos, may asawa, naninirahan sa Swazziland at Sorenam Streets, Better Living Subdivision dahil sa tinamong dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-7:15 ng umaga sa loob ng coffee shop na pag-aari ng biktima.
Ayon sa report, magkaangkas sa motorsiklo na dumating sa coffee shop ang mga salarin at agad na nilapitan ang biktima at walang sabi-sabing dalawang beses na barilin sa ulo.
Matapos ang krimen ay muling sumakay sa motorsiklo na hindi nakuha ang plaka ang dalawang suspek at mabilis na tumakas.
Agad namang siÂnakÂlolohan ng mga tauhan ang Amerikano at isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay.
Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung mayroon nakalagay na Close Circuit Television (CCTV) sa coffee shop ng biktima upang matukoy at makilala ang mga salarin.
Sa pagsisiyasat, hindi pinagnakawan ng mga saÂlarin ang coffee shop kaya malabo na pagnanakaw ang motibo.
Hinihinalang mga propesyunal na bayarang hitman ang dalawang suspek na bumaril at pumatay sa biktima.