Bangkay nakasampa sa motorsiklo

MANILA, Philippine s- Inaayos pa ng hindi pa kilalang mga salarin ang lalaki na kanilang pinatay nang ang bangkay nito ay isinampa sa mo­torsiklo na ipinarada sa isang bakanteng lote sa Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima na wala ng buhay at nakapatong mismo sa ibabaw ng isang single na motor na Racal na may plakang 6866 OM na kulay pula.

Nakasuot pa sa biktima ang helmet, naka-jacket na maong, kulay asul na shorts at rubber shoes na tinata­yang nasa pagitan ng 35-40 at may tama ng bala sa ulo.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lamang iniwan sa kinatagpuang lugar dahil sa walang basyo ng bala.

Show comments