MANILA, Philippines - Nais ni Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino na mai-aÂngat ang kita ng mga magsasaka at mangiÂngisda sa bansa.
Ayon sa datos na nilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB), ang sektor ng agrikultura ang may pinakamababang kita. Isa sa bawat tatlong manggagawang Pilipino ay nasa sektor na ito, kaya naman laÂganap ang kahirapan lalo na sa kanayunan.
Sinabi ni Aquino, matagal na siyang nagtrabaho para bigyan ng pagkakataong kumita ang mga pinakamaliliit na negosyante, bago pa man siya pumasok sa pulitika. “Hindi makataÂruÂngan na ang mga nagÂÂbubuwis ng dugo at pawis para makakain tayo ang waÂlang mapakain sa kanilang mga pamilya. Ito ang pinakamalaking haÂmon sa pamahalaan, at handa tayong tumugon ditoâ€, ani Aquino.
Paliwanag ni AquiÂno, kailangan ng mga magsasaka at mangiÂngisda ng dagdag na suporta tulad ng derechahang access sa merÂkado, access sa ponÂdo’t pautang, dagdag na traiÂning, crop insuÂrance, at iba pang mga support services na magpapaÂlaÂgo ng kaÂnilang kita at kabuhaÂyan.