Ina nagpakamatay2 anak idinamay

MANILA, Philippines - Isang ina ang nagpakamatay at idinamay pa nito ang kanyang dalawang paslit na anak sa pamama­gitan ng pagpapakalunod sa ilog ng Libmanan, Camarines Sur, noong Bi­yernes ng umaga.

Narekober ang bangkay ng mag-iinang sina Maricel Fabricante-Sacro, 28 at dalawa nitong anak na sina Jocelyn, 5-anyos at Jonalyn, 3-taong gulang sa Bicol River, Brgy. Purok Batia sa nasabing pro­bin­siya.

Ang dalawang paslit ay nakatali ng straw sa ka­ta­wan ng ina ay natag­puang lumulutang sa nasabing ilog, ganap na alas-11:00 ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng Camarines Sur Police, labis umanong dinamdam ng ginang ang mga tsismis at biruan na naririnig nito sa kanilang mga kapitbahay na may kinahuhumalingang ibang babae ang kaniyang mister kaya la­ging inuumaga ng uwi sa ka­nilang tahanan.

Ayon sa mga awtori­dad, itinali ng ginang sa kaniyang katawan ang da­lawang bata upang hindi sila magkahiwalay saka ito lumusong at nagpaka­lunod sa ilog.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Huwebes ng gabi na malalim ang iniisip, tulala at tila wala sa sarili matapos umuwi ng umaga ang ka­niyang mister na si Cedio Sacro, galing sa kanyang trabaho.

Laking gulat ni Cedio sa sinapit ng kaniyang mag-iina at halos hindi ito makapaniwala sa gina­wang pagpapatiwakal ng kaniyang asawa na idina­may pa ang dalawa nilang musmos na anak.

Show comments