Lady manager inutas sa harap ng mister

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa Medical Center Manila (MCM) ang isang  29-anyos na lady marketing manager ng isang travel agency matapos na  pagbabarilin ng isang lalaki na angkas ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Fatima Shalabi, marketing manager sa isang travel agency na  matatagpuan sa no. 1350 Ermita Center, sa M.H. Del Pilar, Ermita at residente ng  Romania St. Better Living Subdivision, Parañaque City.

Dakong  alas-6:30 ay kasama ng biktima ang mister nitong si Amro Shalabi at isang kaibigan nang papasakay na ito sa kanilang kotse na nakaparada  sa  Vasquez  St. Ermita ay nilapitan ito ng dalawang lalaki at isa dito ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima.

Nang bumagsak ang biktima  ay pinaharurot na ng mga suspek ang kanilang motorsiklo para tumakas.

 

Show comments