2 babae natupok sa sunog

MANILA, Philippines -Dalawang katao ang nasawi habang apat pang mi­yembro ng pamilya ang nasugatan matapos na tupukin ng apoy ang isang gusali at anim pang katabing establisyemento sa Zamboanga City kamakalawa.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng halos nagmistulang uling na bangkay ng dalawang babae na nakuha sa ikatlong palapag ng Next Auto Supply and Fireworks.

Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas sina Aldry Chua, 10; Ariana Chua, 9; Jacob Chua, 4 at ang pinsan ng mga itong si Carmen Ngo Tan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-1:44 ng hapon ng magkakasunod na tupu­kin ng apoy sa Zamsulu Building na inookupa ng Next Step Auto Supply and Fireworks na pag-aari ni Jo­nathan Chua; Boutique na pag-aari ni Alma Natividad, Espy Tile Depo at Libcap Domestic and International Forwarder at isang Dental Clinic.

Nabatid na ang sunog ay nagsimula sa isang welding machine na nag-spark at nalaglag sa mga pa­putok sa loob ng isang auto supply.

Mabilis namang kuma­lat kung saan na-trap ang da­lawang babae na siyang kumitil sa buhay ng mga ito.

 

Show comments